Municipal Councilor sa Basilan inambush, limang iba pa nadamay

Photo courtesy of Sam J Kallahal

Sugatan ang anim katao kabilang ang isang municipal councilor, matapos silang tambangan ng mga armadong lalaki sa Sitio Lessem, Barangay Upper Bato-Bato, sa bayan ng Akbar, sa Basilan.

Ayon sa Philippine National Police o PNP-Basilan, ang mga nasugatan ay nakilalang sina:

1. Ryan Seyong Latip,

2. Abubakar Alih Latip,

3.Jemar Kalang,

4. Husin Latip Kalang, municipal councilor sa bayan ngTuburan

5. Ajim Jamaluddin at

6. Algafar Naser, kapwa residente ng Tuburan Municipality.

Photo courtesy of Sam J Kallahal

Papunta na umano sa Sitio Lessem, Upper Bato Bato, Akbar mula sa Tuburan, ang mga biktima nang harangin sila ng grupo nina alyas “Jemar” at “Kidyok” saka pinaulanan ng bala.

Gumanti naman ng putok ang kampo ni councilor Kalang hanggang sa maabutan ng mga rumespondeng pulis, kaya hindi napuruhan ang kampo ni Kalang.

Photo courtesy of Sam J Kallahal

Agad na dinala sa Zamboanga city ang anim na biktima, para sa agarang gamutan.

Rido o gantihan ng mga malalaking angkan ang itinurong dahilan ng pananambang.

Photo courtesy of Sam J Kallahal

Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *