Nacionalista party, Inendorso ang UNITEAM

Inendorso na rin ng Nacionalista party ni dating Senate president Manuel  Villar ang tambalan nina Presidential candidate Bongbong Marcos at runningmate na si Sara Duterte.

Sa isang statement sinabi ni Villar na sinusuportahan nila ang mensahe ng dalawa para pagkaisahin ang bansa.

Mahalaga anila ang pagkakaisa ngayong bumabangon ang bansa sa epekto ng pandemya at pagkakawatak watak dahil sa pulitika.

Sapat rin aniya ang plataporma de gobyerno, may sapat na qualifications at track record na kayang magtulak para sa pag- unlad ng bansa .

Ang anak ni Villar na si dating DPWH Secretary Mark Villar ay kabilang sa mga Senatorial candidate na inendorso ng UNITEAM.

Bukod sa Nacionalista party, nauna nang idineklara ng PDP laban ni Pangulong Duterte ang suporta sa tambalang BBM at Sara Duterte.

Meanne Corvera

Please follow and like us: