Mga online store pinabubuwisan na rin

Nais ni Senador Nancy Binay na pagbayarin na rin ng buwis ang mga nagpo promote ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng social media accounts.

Sa pagdinig ng senate committee on information and mass media, sinabi ni binay na bukod sa paninira o mga fake news, nagagamit na rin ang social media sa underground economy pero walang pakinabang ang gobyerno.

Ayon kay Senador Binay, ito ang dapat tignan ng bureau of internal revenue kung nais nitong makakalap ng sapat na pondo.

Ito aniya ang dahilan kaya ang ilang kumpanya hindi na nagpaparehistro o kumukuha ng business permit sa halip ibinebenta ang mga produkto sa pamamagitan ng internet.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *