Nalalabing defensive position ng Maute group, napasok na ng militar

Napasok na ng militar ang nalalabing defensive position ng mga natitirang miyembro ng ISIS-Maute sa Marawi City.

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, Spokesman ng task force Marawi, ilang bangkay ng  sibilyan at terorista ang narekober kasama ang kanilang mga armas.

Gayunman, hindi idinetalye ni Herrera kung gaano karaming bangkay ang kanilang narekober.

Okupado pa rin aniya ng grupo ang ilang gusali at mosque sa apat na barangay sa Marawi.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *