Napaulat na pagkawala ng ilang sabungeros, iimbestigahan ng NBI

Inatasan ng DOJ ang NBI na imbestigahan ang napaulat na pagdukot o pagkawala ng mga sabungero sa ilang lugar sa mga nakalipas na linggo.

Sa department order na inisyu ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ipinagutos din sa NBI na magsampa ng mga kaukulang reklamo laban sa lahat ng sangkot o nasa likod ng insidente kung may sapat na ebidensya.

Pinagsusumite rin ni Guevarra ang kawanihan ng report sa itinatakbo ng imbestigasyon sa loob ng 10 araw.

Batay sa mga ulat, mahigit 20 sabungero na ang sinasabing nawawala.

Moira Encina

Please follow and like us: