Nasawi sa mining accident sa China, umakyat na sa 23

Rescue personnel wait beside parked ambulances outside the Diaoshuidong coal mine in southwestern China’s Chongqing on December 5, 2020, after a carbon monoxide leak at the facility left 18 dead, with rescue efforts under way to reach five others still trapped underground. (Photo by STR / AFP) / China OUT

BEIJING, China (AFP) — dalawampu’t tatlong minero ang kumpirmadong namatay, habang isa naman ang nailigtas matapos ang isang aksidente sa isang coal mine sa southern China.

Noong Biyernes ng gabi ay nagkaroon ng carbon monoxide leak sa Diaoshuidong mine sa lungsod ng Chongqing, kung saan 18 ang nakumpirmang nasawi kinabukasan ng Sabado, habang nagpapatuloy ang rescue efforts.

Subalit ayon sa state media, umakyat na sa 23 ang bilang ng namatay, habang isa naman ang nailigtas.

Sa report ng Xinhua, nangyari ang aksidente habang ang mga minero ay nagbabaklas ng underground mining equipment, makaraang magsara ang minahan dalawang buwan na ang nakalilipas.

Dagdag pa ng news agency, sinisikap na ng mga imbestigador na alamin ang sanhi ng trahedya.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: