Natanggap na sumbong ng Comelec tungkol sa alegasyon ng vote buying, umabot na sa 213

0
COMELEC LOGO

Umabot na sa 213 ang natanggap na sumbong ng Committee on Kontra Bigay ng Commission on Elections (Comelec), patungkol sa mga alegasyon ng vote buying at pag-abuso sa state resources.

Ayon kay Comelec Commissioner Ernesto Maceda, Jr., pinakamarami sa mga reklamong natanggap nila ay mula sa CALABARZON, Central Luzon, National Capital Region, Bicol region at MIMAROPA.


Comelec Commissioner Ernesto Maceda, Jr / PNA

Sa bilang na ito, isa lang ang national candidate at ang iba ay local candidates na.

Ngunit sinabi ni Maceda, na kung ikukumpara sa mga nakaraang halalan, bumaba na ang kanilang naitalang sumbong ng vote buying ngayon.

Malaki pa rin aniya ag naituong ng social media para mapataas ang kamalayan ng mga botante sa vote buying at selling, at iba pang pag-abuso ng mga kandidato.

Ayon kay Maceda, kabilang sa mga madalas na sumbong o reklamong kanilang natatanggap patungkol a vote buying, ay pamimigay ng goods at mga pag-abuso sa pamamahagi ng ayuda.

Kinumpirma naman ni Comelec Executive Director Teofisto Elnas, Jr., na may 2 lokal na kandidato na sasampahan nila ng pormal na disqualification at election offense complaint sa law department.

Nakabantay din ang Comelec sa gawi ng mga kandidato sa panahon ng kampanya.

Sa Bohol, pinagpapaliwanag ng Comelec Task Force Safe ang kandidato sa pagka-gobernador matapos ireklamo dahil sa mga nakaka-offend umanong pahayag sa kaniyang radio program.

Sa show cause order ng Comelec, nakasaad na nangyari ang insidente sa dalawang magkahiwalay na programa nito.

Isa diyan ang pahayag umano ni Atty. Dan Neri Lim patungkol sa DNA testing.

Sabi ng Task Force Safe ng Comelec, posibleng paglabag ito sa kanilang anti-discrimination resolution.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *