NBI iimbestigahan ang pagpaslang sa abogado sa Cebu City

Inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na imbestigahan ang pagpatay sa abogadong si Rex Jesus Mario Fernandez sa Cebu City

Sa department order na inisyu ni Guevarra, ipinagutos ang case build-up sa pagpaslang kay Fernandez noong Agosto 26 sa Cebu City.

Kung may makakalap na sapat na ebidensya ay pinasasampahan ng kalihim sa NBI ng kaukulang reklamo ang lahat ng mga taong sangkot at responsable sa pagpatay sa abogado.

Si Fernandez ay founding member ng National Union of Peoples’ Lawyers at tumatayong abogado ng ilang aktibista.

Kamakailan ay nagsagawa ng hunger strike si Fernandez bilang protesta sa pagputol ng suplay ng tubig sa kanyang condominium unit.

Pinatay ang abogado ng hindi pa tukoy na salarin noong Huwebes habang lulan ng kanyang sasakyan sa Brgy. Guadalupe, Cebu City.

Moira Encina

Please follow and like us: