NET 25 at DZEC Radyo Agila pinarangalan sa Philippine Heart Association appreciation dinner

Idinaos ang isang appreciation dinner ng Philippine Heart Association kasama ang ilang mga doctor pharmacist, at ilang media partners ng nasabing organisasyon.

Sa nasabing event, binigyang gawad ang ilang miyembro ng media, ilang mga kilalang personalidad sa mundo ng medisina.

Isa sa mga binigyang gawad ay ang DZEC Radyo Agila at ang NET25 pati na rin ang Radyo Agila host at Eagle News Reporter na si Belle Surara.

Iginawad sa ,NET 25 at Radyo Agila at kay Ms. Belle Surara ang isang certificate of appreciation dahil sa pagiging partner nito sa lahat ng adbokasiya ng PHA upang makatulong pa sa ikauunlad ng kaalaman gayundin din ang ikabubuti ng kalusugan ng ating mga kababayan.

Sa naturang  event ay tinalakay pa ang ilang mga usaping pang kalusugan tulad ng push for labelling of food products law, high fat to diet o ang the secret to losing weight at mga magiging aktibidad pa ng organisasyon kapartner pa ang ahensya ng pamahalaan ukol sa kalusugan.

Kabilang sa tinalakay sa event ay ang naging matagumpay na launching ng CPR on wheels and wings na kung saan nakabisita na ito ng halos labing dalawang tourist sites at pinaplano pa nitong marating ang mga probinsya sa buong bansa tulad ng Baguio, Ilocos, Bohol at Cebu.

Umaasa naman ang PHA na maisasagawa ng matagumpay ang mga tinalakay na mga aktibidad sa mga susunod na buwan hanggang susunod na taon.

Ulat ni: Earlo Bringas

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *