Net satisfaction rating ni Duterte pumalo sa record high – SWS

Tuloy-tuloy ang pagtaas ng satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations 78 percent ng mga Pilipino ang nagsabing kuntento sila sa naging performance ng Pangulo habang 12 percent ang hindi kuntento at 10 percent ang undecided.

Dahil dito, nakakuha ang Pangulo ng personal record high na positive 66 net satisfaction rating na mas mataas ng 3 percent sa positive 63 net satisfaction rating noong nakaraang Marso.

Ang naturang survey ay isinagawa noong Hunyo 23 hanggang 26.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *