Net satisfaction ratings ni VP Robredo, bumagsak sa +1 noong Dec 2021

Mas bumaba pa ang net satisfaction ratings ni Presidential aspirant at Vice- President Leni Robredo nitong huling buwan ng 2021.

Ayon kay SWS president at CEO Linda Luz Guerrero, malaki ang ibinaba ng rating ni Robredo kung saan mula sa +24 noong September 2021 ay naging +1 nalang noong December ng 2021.

Bukod kay VP Leni, bumagsak din ang ratings ni House Speaker Lord Allan Velasco kung saan mula sa +8 noong September 2021 ay naging +5 na lang pagdating ng December ng 2021.

Tumaas naman ang net satisfaction rating ni Senate President Vicente Sotto III kung saan mula sa +46 noong September 2021, ay naging +52 ito pagsapit ng Disyembre.

Si Chief Justice Alexander Gesmundo naman, mula sa +2 noong September ay naging +7 noong December ng nakaraang taon.

Nakakuha naman ng Very good si Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan ang net satisfaction rating nito ay +60.

Ang survey ay ginawa mula December 12 hanggang 16, 2021, kung saan aabot sa 1,440 ang respondents.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: