Nets, ginulat ng Thunders

Ginulat ng Oklahoma City Thunder ang Brooklyn Nets sa score na 130-109 sa kanilang paghaharap sa Barclays Center sa New York.

Matapos lumaro ng full force laban sa Eastern Conference leader na Chicago Bulls, naglaro ang Nets nang wala si Kevin Durant at ang hindi pa rin bakunadong si Kyrie Irving.

Pinangunahan nina Shai Gilgeous-Alexander at Luguentz Dort ang Thunder, na kapwa gumawa ng tig-30 puntos.

Mainit agad ang naging simula ng Oklahoma City, kung saan sa first salvo pa lamang ay lumamang na sila ng 12 sa score na 38-26.

Samantala, naka-11 sunod na panalo na ang Memphis Grizzlies matapos talunin ang Minnesota Timberwolves sa score na 116-108.

Umiskor si Desmond Bane ng 21 puntos at 20 puntos naman ang ginawa ni Jaren Jackson, Jr. para pangunahan ang Grizzlies.

Please follow and like us: