New bilibid prison ipinapanukalang ilipat na sa Laur , Nueva ecija

Kailangan na umanong magtayo ng hiwalay na pasilidad ang gobyerno para sa mga bilanggong nahatulan ng henious crime.

Kasunod ito ng pagtakas ng apat na bilanggo sa New Bilibid Prison Maximum Security Compound.

Sinabi ni Senate president Vicente Sotto III na hindi makakatakas ang mga bilanggo kung sila ay nakakulong sa isang pasilidad na may maayos na seguridad.

Isa si Sotto sa naghain ng panukala na ilipat ang NBP sa Laur Neuva ecija o sa bawat rehiyon na malayo sa mga kumunidad.

Pasado na sa Kamara at Senado ang panukala pero nakapending pa ito sa Bicameral Conference Committee.

Meanne Corvera

Please follow and like us: