New York governor, nagdeklara ng state of emergency dahil sa bagyong Ida

Photo: AFP

Nagdeklara ng isang state of emergency si New York Governor Kathy Hochul, bunsod ng malawakang pagbaha dulot ng bagyong Ida sa New York City at sa magkabilang panig ng northeastern United States.

Ang bagyong Ida ay tumama sa southern United States bilang Category 4 hurricane noong Linggo, at naging sanhi ng tornadoes at mga pagbaha nang manalasa sa northern part ng America.

Ayon kay Hochul . . . “I am declaring a state of emergency to help New Yorkers affected by this storm.”

Please follow and like us: