NTC inatasan ang mga telco na maghanda sa epekto ng bagyong Karding

Naglabas ng memorandum ang National Telecommunications Commission na nag-aatas sa lahat ng telecommunications company sa bansa na maghanda sa posibleng epekto ng bagyong Karding.

Sa memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, nakasaad na dapat ay tiyakin ng mga telco na may sapat silang bilang ng technical at support personnel, standby generators na may extra fuel, at iba pang gamit sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.

Sa mga lugar naman na naapektuhan ang serbisyo ng telco, dapat aniyang maging mabilis ang mga ito sa repair at restoration.

Inatasan rin ng NTC ang mga telco na magbigay ng serbisyong Libreng tawag at Libreng Charging Stations sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.