Oil companies may big time rollback bukas, June13

oil

Courtesy of Wikipedia.org

May malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, June 13.

Kaugnay ito sa pagbaba ng halaga ng ilang producktong petrolyo sa international market.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Flying V na epektibo 12:01 ng madaling araw bukas ay magtatapyas sila ng P0.80 sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina, P0.95 sa halaga ng diesel samantalang P1.20 naman sa kerosene o gaas.

Kahalintulad na halaga rin ang ibabawas ng ilan pang kumpanya ng langis simula alas-sais ng umaga bukas.

Kabilang  dito ang Petron, Pilipinas Shell, Chevron, Phoenix Petroleum, PTT, Clean Fuel, Unioil at Seaoil.

Noong mga nakalipas na linggo, nagpatupad na ng oil price rollback dahil sa paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *