Online booking ng QC para sa A1 to A3 priority group, bukas na muli

Nag-anunsyo ang Quezon City Local Government na bukas na muli ang online booking sa EzConsult website para sa mga A1, A2 at A3 priority group na nais magpabakuna.

Maaari lamang magtungo o bisitahin ang website o Facebook page ng QC Government.

Maaring pumili ng site at schedule ang mga magpapabakuna.

Nagpaalala rin ang Pamahalaaang Panglunsod na dalhin ang mga kaukulang mga dokumento gaya ng Valid ID at Confirmation appointment sa araw ng pagbabakuna.

Nadadagdagan na rin ang mga lugar na pagdarausan ng pagbabakuna.

Please follow and like us: