Online passport application, nananatili pa rin – Cimafranca

Nananatili pa rin ang online appointment system sa passport application at renewal sa kabila ng bagong prosesong ipinatutupad ngayon sa kagawaran.

Sa panayam ng DZEC Radyo Agila kay Department of Foreign Affairs o DFA Assistant Secretary Frank Cimafranca, patuloy nilang hinihikayat ang mga mamamayan na gamitin ang online passport appointment dahil dito nila maisasa-ayos ang haba ng pila sa pagkuha ng pasaporte.

Nananatili pa rin naman aniya ang Courtesy lane para sa mga empleyado ng departamento bagamat limitado na lamang ito sa kanilang immediate family members.

Inilalaan rin aniya ang courtesy lane para sa mga senior citizens, persons with disabilities o PWDs at mga batang may edad pitong tagong gulang pababa.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *