Operating hours ng LRT-1 extended ngayong Sabado, Mayo 7

Photo: www.facebook.com/officialLRT1/

Extended ang operating hours ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ngayong Sabado, Mayo 7, dahil na rin sa inaasahang kabi-kabilang aktibidad ng mga kandidato dahil ngayon ang huling araw ang kampanya para sa halalan sa Lunes, Mayo a-9.

Sinabi ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang iba’t ibang election campaign activities sa Metro Manila ngayong araw.

Ayon sa LRMC, tumakbo ang unang biyahe ng tren kaninang alas-4:30 ng madaling-araw, habang aalis naman ang huling biyahe ng tren mula Baclaran mamayang alas-9:45 ng gabi at alas-10:00 naman ng gabi ang magmumula sa Balintawak.

Please follow and like us: