Operating hours ng MRT-3, hindi mababago kahit may ipinatutupad na NCR- wide Unified Curfew

Mananatili ang oras ng operasyon ng Metro Railway Transit line 3 (MRT-3) sa kabila ng pagpapatupad ng unified curfew sa Metro Manila.

Sa abiso ng MRT-3, mula 4:37 ng madaling-araw ang unang biyahe ng tren mula sa North Avenue station at 5:17 ng umaga naman sa Taft Avenue.

Habang 9:30 ng gabi ang last trip sa North Avenue at 10:10 ng gabi naman sa Taft Avenue.

Please follow and like us: