Operating room ng isang ospital sa Zambales, isinara

Tinamaan na rin ng COVID-19 ang mga doktor at nurse sa isang pagamutan sa Zambales.

Ayon Kay Lester Ragadio , Head Nurse ng San Marcelino District Hospital, pansamantalang isinara ang operating room ng ospital dahil sa mga doktor at nurse na nagpositibo sa virus.

Maaaring na-expose ang mga ito sa pamilya o mga pasyente na carrier ng Covid-19.

Samantala, bagamat nakasara ang operating room ay patuloy pa rin naman ang serbisyo ng ospital, gamit ang ibang pasilidad nito.

Ipinabatid naman ni Ragadio sa mga tao na safe pa rin ang ospital.

Paalala pa nito, ugaliin ang pagsunod sa health and safety protocols.

Patricia May Balaoing

Please follow and like us: