Ormoc City muli na namang nilindol ngayong umaga

Muling niyanig ng malakas lindol ang Ormoc City.

Ayon sa Phivolcs niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang lungsod kaninang alas 9:41 ng umaga.

Natukoy ang epicenter ng lindol siyam na kilometro sa Silangan ng Ormoc city na may lalim na anim na kilometro.

Naitala naman ng ahensya ang intensity 6 sa Ormoc City.

Intensity 5 naman sa Kananga, Leyte; intensity 4 sa Mayorga, Leyte, Tacloban City at Mandaue City; intensity 3 sa Loay at Jagna, Bohol; at sa Cebu City; intensity 2 sa Lapu-Lapu City; Cadiz City, Negros Oriental at Palo, Leyte.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *