Overstock na produkto ng Senado batay sa COA report pinaiimbestigajan na ni Senate Pres. Pimentel

Pinaiimbestigahan na ni Senate President Aquilino Pimentel ang ulat hinggil sa overstock ng ilang suplay ng Senado.

Sa findings ng Commission on Audit, lumitaw na may stock ang Senado ng toilet paper na aabot pa ng anim na buwan habang ang nakaimbak nitong insecticide ay tatagal ng hanggang dalawang taon.

Nangako si Pimentel na mangangalap pa ng mga karagdagang detalye sa isyu at agad itong paiimbestigahan.

Binigyang diin ni Pimentel na hindi dapat nag-aaksaya ang Senado ng pondo at resources.

Aalamin din ng Senate President kung sino ang nag desisyon o sino ang nagbigay ng awtoridad para sa magkaroon ng sobra sobrang suplay.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *