P4-M na smuggled carrots, nasabat ng BOC

Aabot sa 4 na milyong pisong halaga ng smuggled na carrots mula sa China ang nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port.

Ayon BOC, ang mga smuggled na carrots naka-consigne sa Silver pop Dry Goods Trading.

Idineklara umano ang mga ito bilang steamed buns pero matapos isalang sa eksaminasyon, nakita na carrots pala ang laman ng kargamento.

Agad namang naglabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing kontrabando dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: