P1 dagdag singil sa pasahe sa PUJ epektibo na

Opisyal ng nagpalabas ng written order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng pisong dagdag singil sa pamasahe sa mga jeep.

Pumapabor ang nasabing kautusan sa hirit ng mga transport group na P1 provisional fare increase para sa unang apat na kilometrong biyahe ng mga jeep sa NCR, Region 3 at Region 4.

Effective immediately ang nasabimg utos na mangangahulugang maari nang maningil ng P9 na minimum fare ang mga tsuper ng jeep.

Hindi naman dapat na magpatupad ang mga rehiyon na walang nakabinbin na petisyon para fare increase.

Nagpaalala rin ang LTFRB sa mga driver ng jeep na panatilihin ang pagbibigay ng diskwento sa mga senior citizen, PWD at estudyante.

Nilagdaan ang nasabing kautusan ni LTFRB Chairman Martin Delgra III, Board Member Ronaldo Corpus at Executive Dir. Samuel Jardin.

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *