P100-M na halaga ng mga pekeng produkto nasabat ng BOC sa Pasay city

Aabot sa 100 milyong pisong halaga ng pekeng produkto ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa ilang warehouse sa Pasay City.

Ilan sa mga nasabat ay pekeng brand ng mga kilalang sapatos, bag at damit gaya ng Gucci, Havaianas, Marvel, Nike, Adidas, at iba pa.

Maaari namang maharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines at Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act ang may- ari ng mga nasabat na pekeng produkto.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: