P19-M halaga ng iligal na droga, nasabat sa isang dayuhan sa NAIA

Arestado ang isang amerikano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos makuhanan ng iligal na droga.

Kinilala ng Bureau of Immigration (BI) ang dayuhan na si Stephen Jozeph Szuhar, 75 anyos na sakay ng isang connecting flight mula sa Brazil.

Nakatanggap umano ng tip ang BI mula sa kanilang counterpart kaugnay sa kahina-hinalang byahe ni Szuhar.

Nakuha sa kanyang bagahe ang 3.7 kilograms ng cocaine na nagkakahalaga ng 19 milyong piso.

Ang nasabing dayuhan ay nakadetine sa PDEA Custodial Jail Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *