P3.5 million na halaga ng exotic aquatic wildlife , nasabat ng BOC sa Pasay city

Aabot sa 3.5 milyong pisong halaga ng exotic aquatic wildlife ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa isang cargo warehouse sa Pasay City.

Ayon sa BOC, ang mga nasabing hayop ay inimport ng Aquaxotic Enterprises at mula sa Thailand.

Kasama sa mga nakumpiska ay 180 albino soft shelled turtles at 120 pacman frog at 38,188 na ibat ibang exotic fishes.

May mga nadiskubre ring aquatic plants ang mga tauhan ng BOC mula sa nasabing shipment.

Napag- alaman na ang importasyon ng mga nasabing hayop at halaman ay walang permit na isang paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Madz Moratillo

Please follow and like us: