Pag-amin ni Pangulong Duterte na inimbento lang ang bank account ni Sen. Trillanes walang epekto sa popularidad ng Pangulo

Kumbinsido ang Malacanang na walang magiging epekto sa kredibilidad ng Pangulo o ekonomiya ng bansa ang ginawang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na inimbento lang ang offshore  accounts ni Senador Antonio Trillanes.

Sa pagharap sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na buo pa rin ang tiwala ng mga investors sa Pangulo.

Katunayan maayos aniya ang lagay ng ekonomiya ng bansa at ang Pilipinas ang isa sa itinuturing na most financially inclusive sa Asya.

Depensa ni Abella, maaaring may game plan ang Pangulo at bahagi ito ng kaniyang style.

Maaring may ibang source rin aniya ang Pangulo kaya isinapubliko ang mga umanoy offshore accounts ni Trillanes.

Nauna nang inupakan ni Trillanes ang aniya’y propaganda ng Pangulo matapos magtungo sa Singapore para patunayang wala siyang offshore account.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *