Pagbabakuna sa mga Senior Citizen sa Mandaluyong city, itinigil muna dahil ubos na ang suplay

Pansamantalang itinigil ang pagbibigay ng bakuna kontra Convid-19 sa mga Senior Citizen sa Mandaluyong City.

Batay sa anunsyo ng Mandaluyong LGU sa kanilang Facebook page, naubos na kasi ang unang suplay ng AstraZeneca vaccines na ipinagkaloob ng Department of Health (DOH) sa lungsod.

Gayunman, pinayuhan ang mga residente na mag-antabay sa mga ipapaskil nilang skedyul ng pagbabakuna sa sandaling dumating na ang karagdagang suplay ng mga Covid vaccine.

Ken Mesina

Please follow and like us: