Pagbalanse sa Foreign Policy ng bansa tutukan ni Cayetano

Tiniyak ni bagong Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na tututukan niya ang pagbalanse sa foreign policy ng bansa.

Ayon kay Cayetano, kukonsulta rin siya sa mga opisyal ng DFA para makakuha ng impormasyon kung paano  mapapaganda ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.

Importante aniya ang maayos na relasyon lalo na sa mga bansang mayroong Pilipino.

Kasama aniya sa utos ng Pangulo  ang kapakanan lalo na ng  Overseas Filipino Workers lalo na ang pagpapabilis ng pagkuha ng kanilang pasaporte at iba pang mga dokumento.

 “Unang-una yung agenda ng Pangulo yung direksyon ng foreign policy, isa sa pinaka importante sa kanya ang OFW’s yung kanilang proteksyon, welfare kasama dito comfort and conveneience.” – Sen. Cayetano

Kasabay ng pakikipagkaibigan kasama sa kaniyang aatupagin ang karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *