Pagdadala ng baril ni Pangulong Duterte, normal lang ayon kay Defense Secretary Lorenzana

Ipinagtanggol ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagdadala ng baril ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng kalihim na normal lamang ito sa isang Pangulo na kilala bilang “gun enthusiast”.

Nilinaw nito na mula pa noong alkalde pa ng Davao ang Pangulo ay nagdadala na ito ng kaniyang baril.

Pero nilinaw din ni Lorenzana na wala namang anumang banta sa buhay ang Pangulo kaya ito nagdadala ng baril.

Reaksyon ito ni Lorenzana sa ginawang pagpapakita ng Pangulo ng kaniyang baril na nakasukbit sa tagiliran nang  dumalo ito sa ika-50 founding anniversary ng Davao del Norte.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *