Pagdinig sa sugar importation, tinapos na ng Senado

Tinapos na ng Blue Ribbon Committee ang pagdinig sa naunsyaming Sugar importation.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, napiga na nila ang kinakailangang impormasyon kaya babalangkas na sila ng committee report na maaaring isapubliko sa huwebes.

Kasama sa kanilang magiging report ang mga rekomendasyon para matigil na ang posibleng sabwatan ng ilang opisyal sa  smugglers.

Inihalimbawa nito ang pag-iisyu ng importation permit na aniya’y nasasamantala ng ilang smugglers at mga tiwali sa pamahalaan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: