Pagdiriwang ng ika-93rd birthday ni dating unang ginang Imelda Marcos sa Malacañang hindi masama

Walang nakikitang masama si Senador Imee Marcos sa pagdaraos ng birthday party ng kaniyang ina na si dating unang ginang Imelda Marcos sa Malacañang.

Inamin ng Senador na nagkaroon sila ng salo -salo sa Malacañang para sa pagdaraos ng 93rd birthday ng kaniyang ina kasama ang mga kaibigan at kamag-anak.

Pero ito aniya ay simpleng get together lamang at nagkaroon ng musical performance ang ilang scholars ng kaniyang ina.

Pero paglilinaw niya walang ginastos na anumang pondo ng gobyerno hinggil dito dahil nagdala ng pagkain ang mga bisita .

Meanne Corvera

Please follow and like us: