Pagkakadawit ni Bong Go sa Navy frigates deal, resulta ng iresponsableng pagbabalita

Pinabulaanan ni dating Navy Flag-Officer-in-Command Vice Admiral
Ronald Joseph Mercado na isa si Special Assistant to the President
Bong Go sa nagpursige ng Philippine Navy frigate deal na nagkakahalaga
ng 15.7 billion pesos.

Sa kaniyang testimonya sa Senado, iginiit ni Mercado na hindi nakialam
at hindi rin naghayag ng anumang interes si Bong Go sa acquisition ng
proyekto.

Iginiit ni Mercado na hindi rin sya inimpluwensyahan ni Bong Go noong
ipimo-proseso pa ang frigate deal.

Si Mercado ay magugunitang sinibak sa pwesto noong December 2017 sa
kaso ng insubordination at umanoy pagmamadali sa supplier ng combat
management system para sa frigate project.

Ulat ni Meanne Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *