Pagkakasunud-sunod sa balota ng mga partylist, inilabas ng COMELEC

Umaabot sa 166 na party-list groups ang nakasama sa isinagawang electronic raffle ng Comelec.

Layon ng party-list raffle na madetermina ang pagkakasunod-sunod ng mga grupo sa opisyal na balota para sa May 2022 Elections.

Una sa listahan ang KAMALAYAN partylist.

Kasama rin sa top 10 ang KM Ngayon Na, PSIS, AGAP, KABAYAN, Home Owner, Kapuso Mo, PDP CARES, MARVELOUS TAYO, at AKO OFW

Isinagawa ang raffle sa Session Hall ng Comelec sa Intramuros, Maynila at online.

Una nang pinal na ibinasura ng poll body ang applications for registration ng 107 na partylist organizations.

Moira Encina

Please follow and like us: