Paglaban sa Korapsyon, hamon ng PNPA Valedictorian

“No to Corruption at manindigan sa kung ano ang tama”….

Ito ang laman ng Valedictory speech ng Top graduate ng 2021 Philippine National Police Academy na si Kenneth John Etucas.

Hinamon ni Etucas ang kanyang mga kasamahan sa Hinirang Class sa idinaos na 42nd Commencement Exercises sa Camp General Mariano Castaneda, sa Silang , Cavite.

Ipinaalala ni Etucas sa kanyang mga kasamahan na sila ay naging Public Safety officers para paglingkuran ang taumbayan at hindi ang kabaligtaran.

Dagdag pa ng top graduate na ang isang Government worker na nararapat na magsilbing inspirasyon at maging daan para mahikayat ang iba na marating ang kanilang mithiin sa harap ng mga pagsubok.

Isa si Etucas sa 18 graduates na lalahok sa Bureau of Fire Protection (BFP), 14 naman sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), habang ang 193 naman ay lalahok sa Philippine National Police.

Isinagawa ang pagtatapos online.

Julie Fernando

Please follow and like us: