Paglilinis at balasahan sa BuCor, asahan

Isang araw matapos na makapanumpa sa posisyon, nagpatawag ng una niyang command conference si bagong Bureau of Corrections Director- General Gregorio Catapang Jr. na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng kawanihan.

Isa sa mga marching order kay Catapang ni Justice Secretary Crispin Remulla ay ang linisin ang hanay ng BuCor.

Nais din ni Remulla na gawin ni Catapang na mas makatao ang mga pamamalakad at kalagayan ng mga piitan ng BuCor.

Kasama rito ang pagpapahinto sa mga pang-aabuso sa loob ng bilangguan.

Kaugnay nito, inanunsiyo ni Catapang na magkakaroon ng reshuffle sa mga tauhan ng kawanihan.

Kabilang sa mga papalitan ay ang nasa 700 jail guards ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons kung saan ang ilalagay na ay mga babaeng guwardiya partikular ay babaeng commander.

Bukod naman sa pag-convert sa lupain ng BuCor bilang BuCor Global City, gagawin din itong food terminal na pag-i-imbakan ng mga pagkain at ani.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *