Pagpapabakuna laban sa Covid-19 nina Senador Lacson at Cong. Romualdez, alam ni Pangulong Duterte – SP Sotto

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na nagpabakuna na laban sa Covid-19 sina Senador Panfilo Lacson at House majority leader Martin Romualdez, mahigit isang buwan na ang nakalilipas.

Mismong si Romualdez umano ang nagkuwento nito kay Pangulong Rodrigo Duterte nang ipatawag sila sa Malakanyang.

Ayaw nang magbigay ng iba pang detalye ni Sotto at bahala na aniya ang mga opisyal na sumagot.

Taliwas naman ito sa pahayag ng Department of Health (DOH) na huwag munang magpabakuna laban sa Covid-19 dahil wala pang rehistradong bakuna sa Pilipinas.

Pero ayon kay Sotto, wala siyang nakikitang masama kung sinubukan ng mga opisyal ang bakuna sa labas ng bansa dahil sarili nila itong gastos at katawan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: