Pagpapakulong sa mga Senador, labag sa batas

Labag sa batas ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipakukulong ang mga Senador na magpapa-contempt sa cabinet members na hindi sisipot sa mga pagdinig ng Senado sa umano’y anumalya sa paggastos ng Covid response funds.

Paalala ni Senador Panfilo Lacson, ang Judicial court lang ang maaaring magpaaresto ng sinumang indibidwal, Senador man o hindi.

Ang Korte lang kasi aniya ang nag-iisyu ng warrant of arrest batay sa bigat ng kaso laban sa isang indibidwal.

Hindi naman aniya maaaring gamitin ang citizens arrest batay sa mga panuntunan ng Rule 113, Section 5 ng Rules of Court.

Dapat alam aniya ng Pangulo ang mga batas dahil isa siyang abugado.

Meanne Corvera

Please follow and like us: