Pagpapalawak ng student fare discount inaasahang maisasabatas na

Umaasa si Senador Sonny Angara  na maisasabatas bago magbakasyon ang panukalang na magpapalawak pa ng 20 percent diacount sa pamasahe ng  mga estudyante.

Napagtibay na ng dalawang kapulungan ang panukalang batas at naipadala na sa Malacañang para malagdaan ng Pangulo.
l
Kung malalagdaan kasi ng Pangulo maaaring mapakinabangan na ng mahigit 20 milyong mga  estudyante ang discount lalo na ang mga uuwi at magbabakasyon sa mga lalawigan ngayong summer.

Sa kasalukuyang circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sakop lang ng 20 percent student fare discount ang mga bus at jeep at hindi kasama ang mga eroplano, tren at barko.

Epektibo rin ito mula lamang lunes hanggang biernes pero sa inaprubahang bagong bersyon ng panukala ipatutupad ang discount kahit weekends at holidays buong taon.

Sinabi ni Angara na kung maisasabatas ito mababawasan ang gastusin ng mga magulang.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *