Pagpaslang sa isang broadcaster sa Mindoro Oriental, kinondena sa Senado

Kinondena ni Senador Grace Poe ang pananambang at pagpatay sa isang mamamahayag sa Mindoro Oriental.

Si Cresenciano Bunduquin, 50 anyos at broadcaster ng DWXR Kalahi Radio ay pinagbabaril sa Barangay Isabel, Calapan City.

Ayon kay Poe. ang pagpaslang sa bawat mamamahayag ay kabawasan sa mga naghahanap ng katototohanan at nagbibigay ng impormasyon at boses sa komunidad.

Umaasa ang mambabatas na gagawin ng mga awtoridad ang lahat upang mabigyan ng hustisya si Bunduquin

Iginiit nya na dapat tuldukan ang impunity laban sa mga mamamahayag upang matiyak na mapangangalagaan ang freedom of expression at matiyak ang access sa impormasyon ng taumbayan.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *