Pagsasapubliko ng pangalan ng mga Ninja cops, nasa desisyon ni Pangulong Duterte – Malakanyang

Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagpapasya kung isasapubliko ang pangalan ng mga tinaguriang Ninja cops.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsasagawa na ng validation ang Office of the President sa mga sinasabing Ninja Cops.

Ayon kay Panelo zero tolerance ang Pangulo sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga.

Inihayag ni Panelo na naglaan pa ng milyong milyong pisong pabuya sa sinumang makakapatay o makakahuli sa mga Ninja cops.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *