Pagsusuot ng face mask at face shield, mahigpit na ipinatutupad ng PNP sa buong SJDM

Pinangunahan ni Police Major Julius Alvaro, hepe ng San Jose Del Monte Police at Police Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, commander ng Administrative Support to Covid-19 Operations Task Force (ASCOTF), ang pag-i-inspeksyon sa bawat establisimyento gaya ng shopping malls, na nasasakupan ng buong lungsod ng SJDM.

Layon nito na mapanatiling mababa ang kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19, alinsunod na rin sa ipinatutupad na mandatory wearing ng face mask at face shield sa lahat ng lalabas ng kanilang tahanan at papasok sa mga establisimyento, batay sa inilabas na kautusan ng Inter Agency Task Force (IATF).

Ang mga shopping mall kasi ang unang unang nakikita ng mga awtoridad na dadagsain ng mga tao, kasama na ang iba pang pamilihan ngayong holiday season.

Paalala ni Major Alvaro sa mga mamamayan ng SJDM, sundin ang kautusan na laging pagsusuot ng face mask at face shield para na rin sa kanilang kaligtasan.

Ulat ni Oneil Manuel

Please follow and like us: