Pagsusuot ng facemask sa 2nd SONA ni PBBM optional na – Kamara

Hindi na obligado na magsuot ng facemask ang mga tao na magtutungo sa Kamara para dumalo sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 24.
 
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, napagkasunduan sa pulong ng SONA inter agency committee na magiging optional na lang ang pagsusuot ng face mask.

Pero ang mga vulnerable na indibiduwal lalo na ang may comorbidity ay hinihikayat na magsuot rin ng face mask.

Matatandaan na una ng inanunsyo ni Velasco na sa araw ng SONA ay hindi na rin magiging mandatory ang antigen testing maliban na lamang sa mga kakikitaan ng sintomas ng COVID-19.
 
Ang mga hindi pa bakunado na imbitado sa SONA ay hinihikayat ni Velasco na sumailalim sa RT-PCR test.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *