Pagtaas ng demand ng shabu ngayong “ber” months, inaasahan na ng PNP

Inaasahan na ng pamunuan Philippine National Police ang pagtaas ng demand ng shabu ngayong “ber” months.

Ito ang inamin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director Gen. Ronald dela Rosa.

Ayon sa PNP Chief, bukod sa mga krimen kanila pang palalakasin ang pagbabantay lalo na ang bentahan ng iligal na droga lalo’t kaliwat kanan ang mga party sa tuwing holiday season.

Dahil dito, ipinag-utos ni dela Rosa na palakasin ang police vìsibility o pagpapakalat ng mga pulis sa mga matataong lugar.

Imomonitor din nila ang crime trend para mapagsabihan ang mga commander sa mga lugar na may mataas na krimen na ayusin ang kanilang trabaho.

Magdedeploy din sila ng mga pulis sa mga shopping mall at areas  of convergence ng taongbayan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *