Pagtatapos ng military operations sa Marawi City laban sa teroristang Maute Group nasa kamay na ng mga ground commanders ayon sa Malakanyang

Nasa kamay na ng mga ground commander kung gaano pa katagal ang isinasagawang military operations laban sa teroristang Maute group sa Marawi City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nasa final assault na ang tropa  pamahalaan sa natitirang stronghold ng mga teroristang Maute group.

Ayon kay Abella hanggang ngayon ay wala pang nakukuhang kumpirmasyon ang Malakanyang mula sa mga ground commander hinggil sa sinasabing pagkamatay ng isa sa lider ng Maute group na si Abdullah Maute sa isang air strike.

Inihayag ni Abella na sa sandaling tuluyang mabawi ng pamahalaan sng kontrol sa buong Marawi City agad na pasisimulan ang rehabilitation ng lungsod na nawasak ng digmaan.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *