Pahayag ni Pangulong Duterte na dapat umalis na ang Chinese vessels sa mga islang sakop ng Pilipinas, seryosong mensahe sa China – Malakanyang

Dapat tumugon ang China sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na lisanin na ng mga Chinese vessels ang mga isla sa West Philippine Sea na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na isang seryosong mensahe para sa China ang pahayag ng Pangulo na pinapaalis na ang mga nakapalibot na Chinese vessels sa Pag-asa Island, Scarboruogh Shoal at Kota Island.

Ayon kay Panelo malinaw ang posisyon ng Pangulo na kaibigan ng Pilipinas subalit ibang usapin kung direktang nanghihimasok na ang China sa teritoryo ng bansa.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *