Pamamahagi ng mga i-dole id card sa mga OFW, hindi pa maipapatupad ng DOLE

Malabo pang maipatupad ng Department of Labor and Employment ang pamamahagi ng mga i-dole id card sa mga OFW.

Ayon kay DOLE Information Service Director Jesus Cruz ay, ito’y dahil wala pang pondo ang ahensiya para dito.

Aniya, magkakaroon pa ng pagpupulong ang OWWA at iba mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa nasabing proyekto upang plantsahin ang usapin kung sino ang magbabayad sa pagpapagawa ng i-dole id card.

Paliwanag pa ni Cruz, kailangan rin isa-alang alang ang mga kategorya ng mga OFW na dapat isailalim sa i-dole id.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *