Pamilya Marcos, nagpapasalamat sa tiwalang ibinigay ng publiko

Ibinalik raw ng publiko ang kanilang tiwala sa Pamilya Marcos sa pamamagitan ng paghahalal kay presumptive President Ferdinand Bongbong Marcos.

Ayon sa kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos, bago ang eleksyon nitong Mayo, kinumbinse nila si BBM na kumandidato na lang na Senador dahil sa kanilang pinagdaanang trauma noong 2016 matapos itong tumakbong pangalawang Pangulo.

Nagpasalamat si Marcos sa may tatlumput isang milyong mga Pilipino na bomoto sa kanyang kapatid.

Masaya raw ang kaniyang pamilya lalo na ang kanilang ina .

Pagkatapos ng proklamasyon, pinaghahandaan aniya nila ngayon kung saan gagawin ang inagurasyon at panunumpa ni Marcos bilang ika-labimpitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Ilan sa kanilang pinagpipilian ang Luneta Grandstand at Fort Santiago.

Meanne Corvera

Please follow and like us: